You are here: Home » History » Pinoy, Nakakaawa Ka Nga Ba?

Pinoy, Nakakaawa Ka Nga Ba?

I would like to dedicate this article to my kababayan, to express my opinion about what’s happening to us nowadays.

Hindi ako kontra sa kanya sa kabila ng mga sasabihin ko. Sabi niya lalabanan niya ang corruption, kaya siya siguro ibinoto ng mga kababayan natin. That’s why he won. He promised to his fellow Filipino a hope for a successful and better nation. Umasa tayo. At patuloy na umaasa. Hindi ko sya binoto, siguro dahil hindi ako kumbinsido sa kanya, para patas, wala akong ibinoto n kahit sinong kandidato. And is it because I didn’t vote, I don’t have the right to express what I feel? Ooopps.

Nakakapangilabot ang biglang pagtaas ng pamasahe sa jeep. Otso pesos. Toll fee hike na mahigit kumulang 200 percent. Tsk tsk. Kung asensado ka din at mahilig mag taxi, nagtaas na din. Pag-upo mo kuwarenta pesos kagad. Hindi lang yan, sa bawat kilometro may dagdag na un patak,dos singkuwenta. Matindi. Humahabol pa ang pagtaas ng pamasahe sa MRT/LRT. Dagdagan pa ng pagtaas ng tubig, kuryente, bigas, at lahat lahat na. Punyeta. Pati gasolina, hindi na rin nagpapaawat. 

Do we have the right to complain? Yes, of course we have. Reklamo nga lang. Wala naman tayong magagawa. Kundi magreklamo at magreklamo. No matter how we tried to work, but the salary is not enough. OFWs were sacrificing their lives working abroad, working too hard away from their families and loved ones just to support their needs. Pero hindi padin sapat, sa laki ng mga gastusin, kelangan mo ng maghigpit ng sinturon, kahit wala ng ihihigpit.

Nakakatawa, kasi naman kabi-kabila ang balita sa mga corruption. Hindi daan o libo ang usapin, kundi milyon, at hindi rin pesos, kundi dolyar, milyon milyong dolyar ang ninanakaw nila sa atin. We’re paying our taxes to nothing. Were paying for them to enjoy and used our own money. Mga kawatan.

Hindi ko sinasasibing nagkamli ka sa binoto mo, hindi ko naman kasi alam kung sino un karapat-dapat. Kung baga, noong botohan, naghuhula tayo, sumusugal. Napakaaga pa para masabing talo na tayo sa tinayaan natin, kaya lang, napakaaga din para makita ang epekto ng taong tinayaan natin. 

Nakakaawa ba tayo? Naloko na naman ba? O siguro sadyang walang choice. Ano sa palagay mo?

1
Liked it
User Comments
  1. Likha

    On February 4, 2011 at 10:32 pm


    Nakakaawa tayo kung wala tayong gagawin sa ating sitwasyon. Masalimuot at malalim ang problema ng Pinas. Dun sa mga bumoto kay Pnoy, tama yun. At least may ginagawa imbes na magsisigaw lang sa kalsada pero kumakain naman sa McDo at pa-Ingles-Ingles. Saan ang ugat ng problema? yan ang sa tingin ko, di pa natin natutumbok ng maigi.

  2. nimbleful

    On February 5, 2011 at 1:36 am


    aw i wish i could understand this.. :(

  3. FX777222999

    On February 5, 2011 at 2:53 am


    I think nasa tao rin ang need ng disiplina at sa mga leaders natin na need magbigay ng solutions sa mga naghihirap na mga Pinoy. Sana tulong-tulong lahat for our beloved country to develop forward. Thanks for sharing your thoughts.

  4. mtrguanlao

    On February 5, 2011 at 5:05 am


    Sa aking palagay,sa halip na punahin natin ang lahat ng negatibo sa ating bansa e pagtuunan na lang natin ng pansin ang ating mga sarili kun pano tayo makakapagcontribute ng maayos at productive sa ating bansa. Ganunpaman,meron ka pa ding karapatang magreklamo,hehe!

  5. pruelpo

    On February 5, 2011 at 12:48 pm


    tama dapat lang kumilos tayo. ang galing ng pagkasulat mo igan. love it. see you around.

  6. Dee Gold

    On February 6, 2011 at 2:19 am


    maganda talaga maging matatag tayo sa pagsabi ng ,ako ang simula

  7. Brewed Coffee

    On February 7, 2011 at 12:40 am


    Hindi rin ako bumoto….and that is exercising my right not to vote. Kesa mamili ko ng lesser evil wag na lang….evil pa rin eh heheheh….Let’s wait maybe 40 to 50 more years…by then maybe we will have a worthy leader. I dream of that day. Sana buhay pa ko nun LOL! By all means, may karapatan pa rin tayo magreklamo in my opinion. But the best we could do is to educate and build good values to the next generations kasi sila ang magiging leaders in the future. Nasabi ko na to before….but we need leaders who have the heart for the country….di yung kung saan saan ang puso heheheh….Yun leader na iniiyakan ang bansa at may malasakit talaga. Di pa ata sya pinapanganak hayyyyy….

  8. bladeknight

    On February 9, 2011 at 7:10 pm


    Hindi nakakaawa ang Pinoy. Pero bakit nga ba hindi tayo umuunlad? Ang sabi ni Super Gulaman:

    “bakit nga ba hindi umuunlad ang Pilipinas? hindi naman kulang ang Pilipinas sa talento at galing…maging sa yaman ng kalikasan ay sagana din… hindi din siguro ito dahil sa Pulitika ng bansa, hindi din sa kultura na namana sa mga banyaga… alam mo kung ano ang kulang?… Ang “pagmamahal” sa bansang kung saan ka nagmula…ang bansang “Pinili” at “Pinitas”…—ang Pilipinas.”

    http://www.supergulaman.com/2010/12/wanted-real-pinoy.html

Post Comment
Powered by Powered by Triond