Bakit Ganito Ang Pilipino?
Sa mga Pilipinong umaasa pang uunlad ang bayang Pilipinas.
Atin-atin lang ito dahil mga Pinoy tayo. Tulad ng isang pamilya, hindi dapat ilantad ang mga baho natin sa labas ng ating tahanan. “Don’t wash your dirty linens in public,” sabi nga sa Ingles. Mga simpleng pangyayari ito na halaw sa buhay mo at buhay ko kung saan mapapatanong ka kung bakit ganito tayong mga Pilipino. Siguradong may kinalaman ako at ikaw kung bakit hindi umunlad-unlad ang bayang ito. Sige na, mag-aminan na tayo. Minsan sa buhay niyo, malamang nangyari na ito sa inyo.
I
Sa isang siksikang jeep patungong Fairview, Quezon City, may isang lalaking sumabit sa estribo.
Driver: Boss, bawal ang sabit.
Hindi kumibo ang lalaki.
Driver: Bossing, bawal ang sabit. Mahuhuli po ako niyan.
Lalaki: Ah ganun. Eh bakit ikaw, naninigarilyo sa loob ng jeep mo? Bawal din yan sa Quezon City!
II
Minsan nakisakay ako sa kotse ng isang aktibistang kaibigan. Nagmamadali siya para sa isang speaking engagement.
Aktibista: Puroy (drayber niya), kumaliwa ka na diyan sa EDSA, late na ko.
Puroy: Ma’am bawal po diyan. Kelangan pa po nating mag-U turn sa susunod na kanto.
Aktibista: Hindi, okey lang yan. Wala naming pulis eh. Sige na, ikaliwa mo!
III
Sa isang rally sa harap ng US embassy:
Mga ralyista: Imperialismo ibagsak!
Ralyista 1: Gutom na ko.
Ralysista 2: Ako rin.
Ralyista 1: Saan tayo, Jollibee o McDo?
Ralyista 2: McDo na lang. Ayoko ng burger sa Jollibee.
IV
Sa isang simbahan, napakahirap humanap ng parking space. Sa wakas, sa kaiikot namin ng mister ko sa parking lot, may nahanap din kaming parking space. Bumaba ako sa kotse para gabayan ang mister ko habang nagmamane-obra. Tumayo ako mismo sa parking space para makita niya ang pupuwestuhan niya. Habang papasok na ang kotse sa espasyo, may biglang lumusot na kotse sa kinatatayuan ko na halos sagasaan ako.
Likha: Sorry po, may nakakuha na ng pwesto.
Drayber: Nasaan ang kotse mo?
Likha: Ayun po, papasok na. Ginagabayan ko lang po.
Drayber: Eh kaninong kotse ba ang naunang lumusot dito? Di ba a akin? So pwesto ko ‘to.
V
Minsan, lumabas kami ng kaibigan kong isang kawani ng PNP.
Kaibigan: Ililibre kita, nakakuha ako ng bonus kay sir (isang PNP colonel).
Likha: Ows, talaga? Magkano?
Kaibigan: Twenty Thousand.
Likha: Ha?! Ang laki naman! Kinurakot na naman ng mga pulis ang kaban ng bayan.
Kaibigan: Quiet ka nalang. Marami namang gumagawa nun eh.
VI
Minsan ay gumawa ako ng souvenir magazine para sa anibersaryo ng isang departamento ng gobyerno. Ginawa ko ang anniversary letter ng isang Presidente (di ko nalang sasabihin kung sino) bilang ghost writer pero kelangan pa ng approval ng Presidential Management Staff (PMS) para mailathala. Tinawagan ko ang aking kaibigang nasa PMS para tanungin kung paano ang proseso ng approval.
Kaibigan: Di na, wala nang appro-approval.
Likha: Ha? Eh pano kung may mga correction sa content o grammar. Presidente ito.
Kaibigan: Okey na yan. What are we in power for?
VII
Noong nakaraang presidential election, narinig ko ang ganitong usapan sa voting precinct.
Babae 1: Sinong iboboto mo?
Babae 2: Si Gibo Teodoro.
Babae 1: Bakit si Gibo? Hindi naman mananalo yun eh. Kay Noynoy ka nalang, sigurado na!
Babae 2: Eh, bakit ba? Gusto ko si Gibo, walang pakialamanan.
Babae 1: Ikaw, sino iboboto mo?
Babae 3: Si Nicanor Perlas.
Babae 1: Bakit si Nicanor Perlas?
Babae 3: Wala lang, kawawa naman eh.
VIII
Sa aming lugar ay sinusunod ang waste management kung saan hinihiwalay ang nabubulok na basura sa hindi nabubulok na basura. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasusunod ito.
Likha: Uy, huwag mong ipaghalo ang nabubulok sa di nabubulok.
Kapitbahay: Okey lang yan. Pagdating naman dun sa depository , pinaghahalo din nila. Para hindi na sila mapagod.
Suko na ba kayo? Huwag! Maraming problema ang Pilipinas pero naniniwala akong may solusyon ang mga ito. Kung wala itong solusyon, hindi ko na ito poproblemahin. Marami sa atin ang sumuko na at nangibang bayan. May ibang patuloy ang pagmamalaki sa lahing Pilipino pero may iba ring tumalikod na sa lahing pinagmulan. Sobra pa nga kung makakutya sa kapwa Pilipino. Sabi nga ni Bob Ong, “Wala namang masama sa paglisan sa barkong papalubog na. Basta huwag mo lang itong tapunan ng pampabigat habang sinusubukan pa nitong isalba ang ibang tao.”
Liked it


-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Post CommentStarpisces
On November 17, 2010 at 6:35 am
oh…. i only know how to say in Filipino, one word “Salamat” (thank you)….
Christine Ramsay
On November 17, 2010 at 6:42 am
I am sure this is a great post but i don’t undersatand.
Christine
John Cornor
On November 17, 2010 at 7:17 am
hahahaha grade ka likha. Galing ng post mo hehehe. hello kababayan i’m back.
suhail
On November 17, 2010 at 7:21 am
muj ko yeh post kafi achi lagy per kuch samaj mein nahi aya … well done !
Adelnica Amor R. Izon
On November 17, 2010 at 7:22 am
bittersweet truth
K Kristie
On November 17, 2010 at 7:25 am
This is the most enjoyable Triond post. Ito na rin ang paborito ko…so far twice ko na inulit basahin, hehehe. Dapat sayo Likha maging writer in Inquirer.
elor
On November 17, 2010 at 7:39 am
I enjoyed reading this.. hahaha
Elma Sandoval
On November 17, 2010 at 8:02 am
Tama ka po na tayo na rin mismong mga Pilipino ang may kakulangan kung kaya’t ang pag-asenso ng ating bayan ay tila kay hirap maabot. Pero hindi nawawala ang aking paniniwala na darating ang panahon na ang bawa’t isa sa atin ay mamumulat sa dapat nating gawin para makamit ang inaasam na pag-unlad na ito.
awesome11
On November 17, 2010 at 8:33 am
great share! thanks!
steelvern
On November 17, 2010 at 9:18 am
tumbok mo likha… na sa nangyayari sa bansa natin…one way or another may kontribusyon tau. Pwede naman sa atin mag-umpisa… if ayaw sumunod ng iba… wag ng dagdagan. marami pa yan… kung iisa isahin ..kulang ang pahinang to.
good post… bato bato sa lagit… tamaan wag magalit. instead use it as constractive criticism… pra bayan natin ay sumulong.
Starpisces
On November 17, 2010 at 9:19 am
Re-visit this post as I find it enjoyable, here’s my comment :
wo bu zi dao ni men zai jiang shen mo, wo zi hui shuo yi ju fei lu bin hua, na jiu shi “Salamat”, qi ta der wo yi dian dou kan bu dong, ni men neng fang yi ma? xie xie ger wei fei lu bin peng yo, zai jian.
vijayanths
On November 17, 2010 at 9:35 am
Nice share
Richie Montalbo
On November 17, 2010 at 9:52 am
These stories are quite funny but quite true. I want to laugh but it also makes me sad.
Phoenix Montoya
On November 17, 2010 at 9:53 am
Should I post my comment in tagalog? He he! Alam mo ba ako’y nagulat sa titulo mo? Aba’y kabayan, totoong totoo ang isinaad mo rito at medyo nakakahiya nga ang mga ilang ginagawa natin. Saludo ako sa mensahe mo. Ako? Hindi ako aalis sa Pinas. Salamat!
Brewed Coffee
On November 17, 2010 at 9:57 am
Nakakaiyak kasi iilan lang ito sa mga nakakainis na mga pangyayari. Naniniwala na ko, sobrang damaged culture tayo. Pero lahat ng sira, may pag-asa pa magawa. Ang tanong, may nagawa na ba tayo o nakamasid pa rin? Ako, napapatulala…parang di ko alam saan magsisimula. Sobrang bigat ng pasanin pero kaya natin to. Umpisahan man lang at sana may magtuloy sa susunod na salinlahi…
@ Star – i think I understand a little of what you were saying. I am quite sure about xie xie which also means “salamat” This is actually a wake up call for Filipinos, to get our act together….I think Likha wrote it in our language to have the strongest impact. For translations, contact her
Rhodora Bande
On November 17, 2010 at 10:16 am
Napakasarap ng pagkakagawa nito, Likha. Di ko alam kung matatawa o maiinis sa mga ikinuwento mo. Nangyayari kasi talaga. Yung III, nakakatawa talaga yun.
I’m still not losing hope in us. Marami pa tayong may idealismo sa ating mga puso. May magagawa pa rin tayo. Paunti-unti. Dahan-dahan. Gawin natin kung anong kaya nating gawin. May mga ginagawa na tayo. Doon tayo magsimula.
Melody SJAL
On November 17, 2010 at 10:37 am
Am so glad na pwede na pala magpost ng Tagalog sa Triond? That’s great. At ang ganda ng post mo, galing mo pala sa wikang Pilipino…tsaka talagang maraming ganyang mga pangyayari at kaisipan ng maraming Pinoy.
papaleng
On November 17, 2010 at 10:52 am
Ang masasabi ko lang.. Anak ng Kabisote, grabe na ito. niladlad na ni Likha ang mga tinatago ng mga Pinoy. Likha, ako ata yung isa sa mga aktibistang kumain sa Mcdo.. Lupet mo Kabayan. Pwede na ito sa Tiktik..lol.
Francois Hagnere
On November 17, 2010 at 12:13 pm
I’d love to answer, but I have no clue about the subject. Ii’m sure you’re right, and you have my support, my dear friend;
Stay blessed always.
giritharanj
On November 17, 2010 at 12:55 pm
nice share – gj
Likha
On November 17, 2010 at 10:09 pm
Maraming salamat mga kababayan. Batay sa mga sinabi niyo dito, alam ko may malasakit pa rin kayo sa Pilipinas. Bago natin bigyan ng solusyon ang mga problema ng Pinas, mahalagang masagot muna ang tanong: ano ba ang ugat ng problema? Kung masasagot natin yan, lilinaw ang direksiyon na tatahakin natin para ibangon muli ang kawawang bayang ito. Mahabang panahon yan, baka di na natin masilayan pa, pero kung di natin sisimulan, anong klaseng Pilipinas ang dadatnan ng ating mga anak at mga apo? Naisip mo na ba, ikaw, oo, ikaw nga, kung hindi ikaw, sino ang gagawa??
Tulan
On November 17, 2010 at 10:11 pm
I’m sorry, I can’t read the language. My bad.
Likha
On November 17, 2010 at 11:06 pm
To my non-Filipino readers, this is a critique about the Filipino character as presented from my own anecdotes. It is really addressed to my fellow Filipinos as a wake up call so I wrote it in our own language.
I do appreciate your visiting and commenting although you did not understand a thing. Thank you very much.
crisdiwata
On November 17, 2010 at 11:21 pm
Tama ka jan, alam mo minsan nga nakikipagtalo ako sa mga kakilala na puro reklamo sa mga nanunungkulan sa govt. SAbi ko puro ka reklamo eh yung share mo ba ginagawa mo. Nakakatawa sya pero mas nakakainis. Madalas nga pag nanonood kami ng sine ng asawa ko naiinis akong makita yung mga tao na di man lang tumayo para magbigay galang sa Lupang Hinirang. Tamad na tamad.Yung sa amazing race din na instead ang dayuhan ang mag adjust sa tin tayo ang nag aadjust kesehodang labagin pa ng driver ang batas trapiko mapagbigyan lang ang dayuhan nyang parukyano. May nabasa nga kong tula tungkol dyan eh na if you want to change the world you must change your self first! Napakalawak ng nais mong ipahatid dito sana mabasa ng mas nakararaming pilipino.
Joshua Miguel
On November 17, 2010 at 11:47 pm
Nice one! Tumbok na tumbok mo!
Kuru Tsu
On November 18, 2010 at 12:01 am
Tumpak ka sa post mo. Kaya naman hindi tayo umuunlad dahil sa gawa din nating hindi kaunlad-unlad.
Kuru Tsu
On November 18, 2010 at 12:04 am
Tumpak ka sa post mo. Kaya naman hindi tayo umuunlad dahil sa gawa din nating hindi kaunlad unlad.
starpisces
On November 18, 2010 at 12:16 am
3rd visit (this round, I cannot access Triond, so comment as a guest)…
heehee, sorry Likha, I was pulling your legs earlier on my 2nd comment, you know, my fingers always itchy. In Mandarin actually, just saying something like that :
“I don’t understand what you were discussing, my dear Filipino friends, could your please translate, thank you”
However, don’t need to translate, just joking with you, because though I can’t understand (other than “salamat”), I enjoy it, knowing something interesting going on.
strategy03
On November 18, 2010 at 1:09 am
Great writing. I like this
nz2rdfox
On November 18, 2010 at 1:15 am
Uh di ba? masarap tawanan mga kapalpakan at kawalang disiplina sa karamihan sa atin? kaya nga minsan di mo rin masisisi kung bakit me mga PINOY na labis ang paghinanakit sa kapwa nating mga PINOY at sa bansa natin..ewan ko lang…pero sa palagay ko..sa buong ASIA, tayo ang pinaka HILONG bansa..(CONFUSED). kahit sariling IDENTITY nawala na sa atin..tsk..tsk..GREAT ARTICLE and Well-written. Thanks for sharing.
lhanzkie
On November 18, 2010 at 1:34 am
hehe, ang kukulit ^_^ mga pasaway tlga mga pinoy,, nice post hehe
AJ Garcia
On November 18, 2010 at 1:57 am
Likha,
Sa aking pananaw, totoo pero nakakatawa din, kung hindi mo kukunsumihin sarili mo.Me kasabihan na di mo kayang baguhin ang karakter ng ibang tao, kaya sarili mo ang baguhin mo or ang iyong pananaw. Tangapin ang di mo kayang baguhin, at baguhin mo ang kaya mong gawin.
IMO, true but amusing if you’re going to take things lightly. There’s a saying that you cannot change other people’s character, but you can change yourself or your perspective in life. Accept the things that you cannot change, change the ones that you can.
mwah!
Kaye TM
On November 18, 2010 at 7:11 pm
hahaha. buti nalang tagalog yung language ng article mo. baka sabihin nang iba na pasaway talaga ang mga Pinoy.=p
The Soul Explorer
On November 18, 2010 at 8:11 pm
Ate, true ba yong sa V? hehehe
V rank
On November 19, 2010 at 7:43 am
salamat nalang at hindi english… kakahiya.. hehe
akira14
On November 21, 2010 at 7:16 pm
joke ba ito?napatawa kasi ako sa lht lalo na sa joke number VII,wit weeewww
bobie
On November 29, 2010 at 7:30 pm
tama po . .two thumbs up ate likha . . yan ang hindi mawala sa pinoy, kahit sabihin pa natin na bwala ang mga iyan pero yan pa rin parati nang yayari . .wala ma gawa . .
roaringlion
On December 2, 2010 at 3:59 am
100% true. nakakatawa minsan ang mga Pinoy. Bitter truth…
sandcastle
On December 2, 2010 at 7:26 am
Kung anong nararamdaman ni Doray, siya ko ring nararamdaman. Natutuwa ako nasinulat mo ito sa wikang Pilipino
ricara
On December 3, 2010 at 12:17 am
Follow the leader lang nangyayari sa atin mga pinoy.Kung inumpisahan nung isa gagayahin naman nung isa.hehe =)
lovestar2010
On December 4, 2010 at 10:20 am
great share
Edsss
On April 1, 2011 at 11:28 pm
Tama lahat to! Mga Pinoy nga naman.. Sana lang we still have time to change this kind of characters!
brbsoul
On April 2, 2011 at 1:17 am
bittersweet(:
Ito ang sinasabi na kalokohan mo ay babalik din sa iyo.
Maraming beses na tayong naloloko dahil din sa ating mga kalokohan.
yet i’m not yet hopeless…
No Share
On April 2, 2011 at 4:51 am
I thought Triond only allows English written Articles? Iba ka Likha, you make your own rules. LOL
ahimsa_peace
On April 3, 2011 at 1:21 am
ang angking talino’y aking gagamitin sa bayang nagkukop sa akin. bilang ganti ito’y aking mamahalin at aarugain ng pagdating ng panaho’y kaunlara’y makamit din natin
Rhodora Bande
On April 6, 2011 at 1:56 pm
Revisiting.
Hi Sandy.
Rhodora Bande
On April 19, 2011 at 8:13 pm
Will be using this again as a reference, sis. I hope you don’t mind.
arielcnacion
On April 21, 2011 at 11:00 am
haha, ngayon ko lang ito nabasa. galing. =) share ko sa fb. tinranslate pa ng browser ung title kanina “this is why filipinos?” haha. nice. very nice.
real lady
On April 21, 2011 at 2:40 pm
Bravo…bravo…bravo.
mtrguanlao
On June 5, 2011 at 1:58 am
Di lan naman tayong mga Pilipino ang may nakakahiyang kaugalian,naniniwala akong pati ang mga ibang lahi ay may ganito din..I’m still proud to be a Filipino inay!